Si Bruhilda at ang Kaluluwa

Naiinis si Bruhilda...
Di sya bagot pero naiinis sya...
Bakit? tanong ng kaluluwa...
Iba-iba ang tao...
Kahit kailan, di magkakapareho...
Mahirap baliin ang kinalakihan...
Mahirap baguhin ang kinatandaan...
Ang hindi makatanda, ewan na lang...
Pagka't mahirap magpaliwanag...
Sa ayaw humabi ng bagong buhay...
Maging ito'y para sa kariktan...
Ayaw matuto dahil ayaw umintindi...
Pinipili ang pinakikinggan...
Yaong ayaw ay labas sa tenga lamang...
Hay buhay nga naman...
Bangasan ba ito ng prinsipyo?...
Ito nama'y tanong lamang...
Ng siphayo ng kahungkagan...
Nguni't katanunga'y di kailangan ng sagot...
Sapagka't ang salita ay walang bula...
Sa naiinis na kaluluwa...

Bruhilda? ikaw ba yan...
Sa palagay mo, kaluluwa?...

Comments

Popular Posts